Introducing Palayok Claypot by Pottikim
A palayok is a clay pot used as the traditional food preparation container in the Philippines. Palayok is a Tagalog word; in other parts of the country, especially in the Visayas, it is called a kulon; smaller-sized pots are referred to as anglit. Neighboring Indonesia and Malaysia refer to such vessel as a periuk.
Paano ba ginagawa ang palayo? meron akong youtube video share ko ang link sa baba pero eto ang proseso
ang palayok ay nag mumula sa putik at may halong buhangin kadalasan ito ay kinukuha sa ilalim ng ilog upang maka kuha ng putik at gamit ang buhangin pag hahaluin mo eto at saka mo babasain para lumambot ang putik.
pagkatapus mong mapa lambot ang putik kukuha ka ng tipak dito ng naayon sa laki ng gusto mo habang ikaw ay nag papraktis pwede kang mag sample ng putik na sing laki mangkok ang tipak.
pagka tapus gamit ang improvise na mga kahoy at bato ito ay pupokpokin mo para makuha ang unang hugis neto na parang cone na medyo malaki at saka mo sya ibibilad upang medyo tumigas.
pagkatapus mo syang mabilad saka mo sya pupokpoking muli gamit ang mga kahoy at bato upang makuha ang pinal na hugis ng palayok na kagaya ng nasa larawan at pagkatapus ay saka mo sya ibibilad ng muli sa gitna ng araw upang tumigas muli kasama ang takip na ginawa mo.
pagka tapus mo mabilad ang ginawa mong palayok saka mo sya lulutuin sa apoy gamit ang tuyong mga kawayan at dayami isasalansan mo sila at saka mo sisilaban. upang makuha mo namn ang kulay na itim nito habang papatapus na ang apoy saka mo ito bubuhusan ng ipa ng mga palay or pinagbalatan ng bigas upang makuha ang natural na kulay itim neto.
palayok making video:
No comments:
Post a Comment